Posted in All posts, BucketList

BucKITList 27: AiSeeYou

Bakit kung kukunin din ay kailangan pang pahirapan?

Bakit kung titigukin rin ay kailangan pa niya iyon lahat pag daanan?

Hindi ba maaring patayin nalamang?

Walang hirap, walang inda.

Hirap ng manginusap
Ngunit pilit paring susulat–
Concern ay patungkol sa Harmony,
Sunod na yapak sa nauna niyang Chemo Therapy.

 

Hirap huminga, Nakatubo na siya,

Hindi makapagsalita, maka alma.

Nanginginusap na “tama na, ayoko na, tanggalin na”.

Gustuhin mang pagbigyan, ngunit tayo’y naandidito na.

 

Bakit ibibigay kung hindi kakayanin?

Ipinaranas sapagkat tiwalang kaya itong gawin?

Kaya itong tanggapin?

Bakit ang sakit? Bakit sa amin?

 

Ilan sa mga kwestyong hindi mo makain

Malunok, o piliting nguyain.

Pamamaalam ay likas na nga ba sa atin?

Datapwat bakit kinakailangang ganiyan pa?

 

Pahirapan ang nilalang hanggang sa ito’y maghikahos?

Parusa nga bang masasabi sa mga kasalanang hindi pang musmus?

Para saan ba’t ito’y masasaksihan?

Kamatayang hindi mo kontrol buwat sa iyong kamalayan.

 

Anu-ano pa man ay hindi na alam

Tutungo sa kung saan at sa kung papaanong pamamaraan.

Ang matubuan ng puso buwat sa karimlan

Ay isang pulo’t yaman sa gitna ng mga katanungang walang kasagutan.

 

 

ICUNars

 

 

Sig.

Pagmasdan mo ang mga linya,
Hanapin ang mga naiiba.
Guhit ay pabugso-bugso na, hikahos sa pag hinga
 Hanggang sa unti-unting paghanay, magpapahinga na.

 

Nang sa kabilang dako ay maparoon,
Dopa at Dobu ang naroroon.
Palamang inotropics pampabangon,
Sa bagsak na altapresyong hindi maibangon.

 

Si Norepi ang Uno
Unang ifa-flush sa ugat mo.
Papatak-patak kada segundo–
Pag hindi tumalab, si Epi ang sasalubong sa pang-apat na kanto.

20171229_104721.jpg

Author:

Well, I am the nurse that is Still nowhere to be find. I am starting a crop here, WordPress.com, for what aims or visions?  I am still no where to up to. For what led me here ? My envisions, endeavors, the side of me that seriously right now, no where to find. I know  I've lost a lot of me  (of who I am before, I once dreamt of being a theatre actress; I do love disguising and acting😍, I am a frustrated Makata, painter too 😉, to be a stewardess was the field I ever tried applying in college, to travel, learn more languages and to be an Ambassadress soon) the day I decided to pursue the present crop I'm  having in front of me way back. No regrets. Infact, I'm taking an upgrade, Master's 🙌. Years have been passing , and a voice inside me is still wanting of something. Something of the air I haven't vent out or words that never uttered yet. Told 'yah it is 'Something that is still no where to be find'.

Leave a comment