Sa edad vente uno,
May isang supling
At bubuo ng isang pamilya sa piling mo,
Para saan pa nga ba ang mga pangarap ko?
Mithiing sariling 🏡, 🚗🚘, negosyo,
Maglakbay saan mang panig ng 🌍.
Sige, panglanan mo!
Ano nga ba ako?
Babaeng marangya, malakas, makapangyarihan.
Kilala, kinatatakutan, pinangingilagan …
Imaheng hindi magiba– Independent kung baga~
Iyon Ako, ang pinangarap ko.
Kaliwa’t kanan na appointments,
Sariling 💱, 🕛, kalayaan. Talino.
Iyon ako. Babaeng iniukit ko sa musmusing kaisipan,
Malayo sa babaeng nasa edad ng kasalukuyan.
Ngunit, heto ako …
Wala ni isa sa imaheng binuo ko.
Walang ipon, 🏡, nakikipag digmaan sa pampublikong sakayan,
Munting mukhang madaming bahid ng kinakatakutan.
Malayo.
Malayong malayo sakanya.
Sa Eva na iginuhit niya.
Ito Ako, Ako.
Biniyayaan ng mapag mahal na supling,
Ginantimpalaan ng mapangalang mangingibig.
Nakasilong sa kanlungan ng sariling Ama’t Ina,
🌐 nalibot niya, Ni wala sa nabanggit.
Para saan pa nga ba ang mga pangarap ko?
Kung laman ng ❤ ko’y mapatabi sa piling mo?
Mapalaki ng wasto ang mga supling ko,
Bumuo ng pang habang buhay, Sariling Pamliya, gaya ng sa mga magulang ko.
Wari’y nakita na ang sariling Ako.
Hindi isang pinuno ng pangat,
Ngunit Ina sa anak, Asawa sa kabiyak,
Ilaw ng 🏡ng alam kong aking Pinangarap.
Ang maging ‘sing giting ng Ina ko,
Malayo man sa sidhi ng matugayog kong musmus na pangarap,
2343H, Tila may kasagutan na sa mapanigurado kong plano–
Tatahan sa kanlungan mo.
Sig.
Aanhin ko ang sariling 🏡 kung Susmpa ako sa damabana kasama ng aking magiging kabiyak?
Para saan pa ang limpak-limpak na pansariling ipon kung ang nais nati’y masayang pailya?
Bakit pa ako lalayo pa, kung ang nais ko lang din nama’y huwag mapalayo sa kinila ?
Ano ang halaga ng pansariling kumpanya kung lahat kayo’y hindi ko na makakasama?
Para saan pa ang Nababagong Pangarap kung ako nalang din pala mag-isa?