Posted in All posts, BucketList

BakitList #1002

24th

Bakit kahit alam mong wala na

Gusto mo pa din?

Bakit kahit alam mong masakit na

Ginagawa mo pa rin?

Bakit namimiss pa rin

Kahit alam mong hndi ka na mamimiss?

Bakit pinipili mo paring isipin siya

Kahit alam mo na namang pinili na niyang kalimutan ang inyong pagsinta?

Bakit ikaw pa?

Bakit ikaw pa rin?

Sa totoo lang …

Hindi ko na alam.

Naiisip na babalikan mo parin sa kabila ng mga nangyari.

Na darating ang isang araw na kakatok kang mula sa tahanan upang iyong haranahin

Na darating parin iyong panahon na hihingiin mo yaong mga kamay

Na babalik ang mga sandaling lumipas, pinutol upang dugtungan ng walang hanggan.

Naluluha sa tuwing naaalala ~

Pag kuwestiyon sa angking kabaitan–

Kung may pagkukulang

O kung ano ba yaong pagkakamali ng pagkatao

Para lang sarasom at pinili mong gawin sa ito.

Ni hindi na alam at kung papaano humantong sa mga katagang

“Ma, tulungan mo ako Ma , para na akong mababaliw”.

Nalala pa yaong mga paghihikayat ng ina nuon na mag libang at maglalabas ng 🏑~

Anong nanyari? Hindi na alam

Ang malinaw lang, ika’y mahal parin.


Posted in All posts, BucketList

Bakit mahirap maging isang tanga?

Bakit mahirap maging isang tanga?

Simple lang. Kinakayan-kayanan ka ng mga tao sa paligod mo. Para sa paningin nila wala kang halaga. Wala kang silbi kundi ang maging isang tagapag sunod sa mga maiisip nilang ipagawa saiyo.

 

Bakit mahirap maging isang tanga?

Bakit nga ba ? Isa kang musmus na walang alam. Paslit na walang kamalay-malay sa 🌎 ginagalawan. Parang isang sanggol ~ hinahagis na pataas ngunit humahagikgik pa ng tawa. Alam mo ba ang dahilan kung bakit? ISA ITONG DAGDAG KAALAMAN, KABAGANG, nakabungisngis sila sapagkat ang tanging alam lamang nila ay ang MAGTIWALA. Oo. Sa murang isipan nila ay maruning na silang magtiwala. Iyong isipin mabuti, sa panahon ngayon halos lahat ay takot mag tiwala ngunit kung ikukompara sa yaong sanggol ay mayroong ipagkakaloob saiyong walang bahid na pagtitiwala. Bawat hagis mo sakanila ang tangi mo lang mamamasid ay ang kanilang pagtawa sapagkat buo sa kanilang isipan na sasaluhin at sasaluhin mo sila ano pa man ang mangyari πŸ˜‰πŸ˜Š akalain mo iyon !

 

Bakit mahirap maging isang tanga?

Simple lang! Nakakasawang laging walang alam. Laging nagtatanong. At laging naghihintay ng pagsang ayon mula sa iba bago ka paman kumilos. Nakakaloka hindi ba?

 

Bakit mahirap maging isang tanga?

Palagi kanalamang pipe sa mga sasabihin ng iba. Bakit? Kasi SAPUL NA SAPUL KA. 😁 tagos pa nga hindi ba?!

 

Bakit mahirap maging isang tanga?

Wala lang! Nakamukmok ka sa issng silid at walang nais gawin sapagkat takot sa mga ipupukol na pagkakamali. Ano panga ba ?

 

πŸ˜€πŸ˜‚.

Posted in All posts, BucketList

BucKITList 27: AiSeeYou

Bakit kung kukunin din ay kailangan pang pahirapan?

Bakit kung titigukin rin ay kailangan pa niya iyon lahat pag daanan?

Hindi ba maaring patayin nalamang?

Walang hirap, walang inda.

Hirap ng manginusap
Ngunit pilit paring susulat–
Concern ay patungkol sa Harmony,
Sunod na yapak sa nauna niyang Chemo Therapy.

 

Hirap huminga, Nakatubo na siya,

Hindi makapagsalita, maka alma.

Nanginginusap na “tama na, ayoko na, tanggalin na”.

Gustuhin mang pagbigyan, ngunit tayo’y naandidito na.

 

Bakit ibibigay kung hindi kakayanin?

Ipinaranas sapagkat tiwalang kaya itong gawin?

Kaya itong tanggapin?

Bakit ang sakit? Bakit sa amin?

 

Ilan sa mga kwestyong hindi mo makain

Malunok, o piliting nguyain.

Pamamaalam ay likas na nga ba sa atin?

Datapwat bakit kinakailangang ganiyan pa?

 

Pahirapan ang nilalang hanggang sa ito’y maghikahos?

Parusa nga bang masasabi sa mga kasalanang hindi pang musmus?

Para saan ba’t ito’y masasaksihan?

Kamatayang hindi mo kontrol buwat sa iyong kamalayan.

 

Anu-ano pa man ay hindi na alam

Tutungo sa kung saan at sa kung papaanong pamamaraan.

Ang matubuan ng puso buwat sa karimlan

Ay isang pulo’t yaman sa gitna ng mga katanungang walang kasagutan.

 

 

ICUNars

 

 

Sig.

Pagmasdan mo ang mga linya,
Hanapin ang mga naiiba.
Guhit ay pabugso-bugso na, hikahos sa pag hinga
Β Hanggang sa unti-unting paghanay, magpapahinga na.

 

Nang sa kabilang dako ay maparoon,
Dopa at Dobu ang naroroon.
Palamang inotropics pampabangon,
Sa bagsak na altapresyong hindi maibangon.

 

Si Norepi ang Uno
Unang ifa-flush sa ugat mo.
Papatak-patak kada segundo–
Pag hindi tumalab, si Epi ang sasalubong sa pang-apat na kanto.

20171229_104721.jpg